Imbestigasyon sa pagkamatay ng Presidential Security Group Officer, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa pagkamatay ni Presidential Security Group Officer Major Harim Gonzaga.

Pero ngayon pa lang, isinantabi na ang anggulong foul play sa pagkamatay ni PSG.

Sa isinagawang press conference ni PSG Chief Brig. Gen. Lope Dagoy, sinabi niyang wala ring indikasyon na nanlaban si Gonzaga.


Ayon pa kay Dagoy, wala rin siyang alam na problema ni Gonzaga at ng misis nito.

Mahirap din aniyang sabihin na suicide ang nangyari kaya’t posibleng aksidente ang nangyari.

Tiniyak naman ni Dagoy na wala itong magiging epekto sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

8:50 ng umaga kanina nang matagpuan ang katawan ni Gonzaga, na may tama ng bala sa puso.

Facebook Comments