Imbestigasyon sa pagpapabakuna ng ilang miyembro ng PSG gamit ang hindi rehistradong COVID-19 vaccine, binawi na ng AFP

48

Hindi na itutuloy ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pagbabakuna hindi pa aprubadong COVID-19 vaccine sa ilang miyembro ng Presidential Security Group.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na binawi nila ito alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PSG na huwag pumunta at tumestigo sa anumang gagawing imbestigasyon.


Paliwanag ni Arevalo, magiging “useless” lamang ang kanilang gagawing imbestigasyon kung hindi rin naman makikipag-cooperate ang PSG.

Nilinaw rin ng tagapagsalita ng AFP na ang layunin lamang ng kanilang fact-finding investigation ay upang malaman kung paano nabakuhan ang mga ito.

Kasunod nito, makikipag-usap pa aniya si Arevalo kung ano ang magiging pinal na desisyon pero ibinatay nila ang pagkansela sa imbestigasyon batay na rin sa pahayag ng Pangulo na siyang Commander-in Chief.

Matatandaang sa public address kagabi ni Pangulong Duterte ay pinayuhan niya ang mga PSG na igiit ang kanilang “right against self-incrimination” para walang makuha ang mga mag-iimbestiga sa isyu.



Facebook Comments