Imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice Presiden t Leni Robredo para sa isang dinner, seryoso at “sincere”

32
Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo na seryoso at “sincere” ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo para sa isang dinner.
 
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, halata namang nang-iintriga lang si Sen. Antonio Trillanes sa mga pahayag nito.
 
Una rito, sinabi kasi ni Trillanes na “patibong” ang imbitasyon ni Pangulong Duterte kay VP Robredo at sa pamilya nito.
 
Giit pa ni Panelo, hindi naman nakapagtataka ang imbitasyon ng punong ehekutibo sa kanyang bise presidente.
 
Ipinunto pa ni Panelo na pagpapakita lang ito ng magandang gesture para magkaroon ng ugnayan ang dalawa.

 

Facebook Comments