IMINUNGKAHI | Pangulong Duterte, pinabibigyan ng emergency powers para solusyunan ang matinding pagbaha sa bansa

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte para solusyunan ang problema sa matinding pagbaha sa Metro Manila.

Ang rekomendasyon para sa emergency powers sa Pangulo ay dahil na rin sa mabagal na paggawa ng mga flood projects at ang lugi ng bansa kapag may baha na umaabot sa P2.4 Billion kada araw.

Paliwanag ni Castelo, ang panukalang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo ay layong maiwasan ang red tape at para bilisan din ang paggawa sa mga anti-flood projects na gagawin ng DPWH.


Inirekomenda din ng kongresista ang panukala para sa Flood Summit kung saan dito maaaring talakayin ang detalye para sa isinusulong na emergency powers para sa Pangulo.

Dagdag pa ng mambabatas kailangan nang madaliin ang Metro Manila Flood Control Management Project dahil naglaan naman na ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at World Bank (WB) ng P25 Billion na pondo para dito.

Facebook Comments