Immigration officer at 2 kasabwat, arestado sa entrapment operation sa NAIA

Inaresto ng PNP Aviation Security Group intelligence unit ang isang immigration officer at dalawang kasabwat nito matapos ang entrapment operation sa magkahiwalay na lugar sa ParaƱaque at NAIA 3.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rene Ares Cascano, Jodrel joe Victoriano at Immigration Officer Rino Romero.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, nakatanggap sila ng reklamo mula sa Royal Air Philippines hinggil sa panghihingi raw ng mga suspek ng 60,000 pesos bilang bayadĀ  dahil ang airline na ito ay non-commercial flight


Nagpanggap pa raw na immigration officers sina Cascano at Victoriano na kapwa ground handlers sa NAIA.

Dahil dito, agad ikinasa ang entrapment operation sa loob mismo ng Royal Air office sa Quirino Avenue, ParaƱaque City kung saan dinakip ang mga suspek nang magkaabutan na ng pera.

Ikinanta naman ng isa sa mga suspek ang itinuturing nilang Boss Jake na nakilalang si Immigration officer Rino Romero na nakatalaga sa NAIA Terminal 3.

Facebook Comments