Immigration personnel na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19, isasailalim sa libreng COVID test

38

Bibigyang prayoridad ng Bureau of Immigration (BI) sa libreng COVID-19 RT-PCR test ang mga empleyado nitong nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.

Ang swab test na gagamitin sa mga empleyado ng BI ay bigay ng Philippine Coast Guard at ng Local Government Unit ng Maynila.


Bukod sa symptomatic Immigration employees, prayoridad din sa swab test ang mga empleyadong nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patients.

Ang COVID testing sa BI employees ay gagawin sa Palacio de Maynila, Manila Health Office, at sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.

Facebook Comments