Immigration personnel na sangkot sa ‘pastillas’ scheme, tinanggalan na ng privileges  

332

Kinumpirma ni Immigration Commissioner Jaime Morente na tinanggalan na nila ng privileges ang mga tauhan ng Bureau of Immigration o BI na dawit sa nabunyag na ‘pastillas’ modus.

Bukod dito, inilagay na rin sa Administrative holding office ang naturang immigration personnel.


Tiniyak naman ni Morente na dadaan sa due process ang mga tauhan nilang sangkot sa ‘pastillas’ scheme.

Aniya, dapat din na magsilbi itong babala sa immigration personnel na gumawa ng katiwalian.

Una na ring inihayag ni Morente na bukas ang kanyang liderato sa paglilinis sa harap ng nabunyag na ‘pastillas’ modus.

Tiniyak din ni Morente na makikipagtulungan sila sa ano mang imbestigasyon at sa gagawing lifestyle check sa kanilang hanay.

Facebook Comments