Impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, kine-cremate na ayon kay House Speaker Alvarez

86

Manila, Philippines – Idineklara na ni House Speaker Pantaleon Alvarez na patay na at wala ng pag-asang mabuhay pa ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod na rin ito ng pagkakabasura ng House Committee on Justice ang impeachment complaint ni Magdalo Representative Gary Alejano.


Sabi ni Alvarez, wala nang tyansa ng over ride ang reklamo kapag isinalang na sa plenaryo ang committee report ng justice committee tungkol dito.

Sa katunayan aniya, kine-cremate na nga ang impeachment complaint ni Alejano.

Binuweltahan pa ni Alvarez si Alejano kasunod ng patutsada nito sa Kamara na pinatunayan lang ng kapulungan na hindi ito independent nang isantabi ang reklamo nito.

DZXL558




Facebook Comments