Impeachment laban kay Bautista, unfortunate at unnecessary?

24

Manila, Philippines – Unfortunate at unnecessary, ito ang naging komento ni Commission on Election Chairman Andres Bautista kaugnay sa desisyon ng Kamara sa inihaing impeachment complaint laban sa kaniya.

Bagamat kinikilala niya ang opinyon ng bawat miyembro ng Kamara, sinabi ni Bautista na hindi naman aniya tamang ituloy pa ang impeachment lalo’y siya na mismo ang nagpasyang magbitiw sa pwesto na epektibo sa katapusan ng taon.

Matatandaang sa botohan ng mga mambabatas, 75 ang bumotong yes para sa dismissal at 137 para naman ma- impeach si Bautista at dalawa ang nag-abstain.

Facebook Comments