Impeachment laban kay Pangulong Duterte, pagsasayang lang ng oras – ayon kay Senator Gordon

8

Para kay Senator Richard Gordon, pagsasayang lang ng oras ang hiling na impeachment kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ang pahayag ni Senator Gordon ay makaraang maghain ng impeachment case kaninang umaga laban sa Pangulo si Magdalo Representative Gary Alejano.

 

Ipinaliwanag ni Gordon na ang pagpapa-impeach sa Pangulo ay isang political process na kailangang umani ng boto mula sa mayorya ng mga kongresista.

 

Duda si Gordon na uusad ang impeachment process laban sa Pangulo dahil masyadong malaki ang bilang ng majority bloc sa Mababang Kapulungan.

 

Kumpyansa is Gordon na walang babaliktad o babalimbing sa mga ito.

 

Iginiit pa ni Gordon na wala ding pruweba sa mga alegasyon na ibinibintang kay Pangulong Duterte para siya ay mapatalsik sa pwesto.

Facebook Comments