Saturday, October 10, 2026

Impeachment trial kay VP Sara, magpapatuloy kahit mag-boycott ang ilang senator-judges

Tiwala ang House Prosecution Panel na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit i-boycott ito o hindi na daluhan ng ilang senator-judges.

Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, anuman ang maging sitwasyon ay magpapatuloy lang ang prosecutor sa pagganap ng kanilang trabaho na magpresenta ng mga ebidensya at testigo.

Tugon ito ni Adiong ng hingan ng reaksyon sa posibilidad na hindi na makibahagi ang mga senator judges na mariing komontra sa pasya ng Impeachment Court ukol sa bilang ng boto na kailangan sa paghatol kay VP Sara.

Umaasa naman si Adiong na walang mangyayaring walk-out o boycott sa hanay ng mga senador-judges dahil ito ay magpapakita ng mensaheng pang-politika.

Facebook Comments