
Makabubuti para sa Senado na huwag na lamang ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang pahayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna na rin ng napipintong pagsisimula ng proseso ng impeachment sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Hunyo 3.
Ayon kay Dela Rosa, bagama’t “wishful thinking” lang ito, mas maganda kung huwag na lang ituloy ang impeachment trial upang maka-focus sila sa ibang mas mahahalagang bagay tulad ng development efforts sa bansa para maiwasan ang pagkakawatak-watak.
Gayunman, pag-aaralan pa ng Duterte bloc kung maaari bang hindi na ituloy ang impeachment.
Sakali namang maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipatigil ang paglilitis ay buong-buo nila itong susuportahan.