Implementasyon ng No ID No Entry Policy, at curfew hour sa Koronadal City – sinimulan na ngayong araw

25

Koronadal City – Nagdulot ng napakahabang pila ng mga sasakyan sa mga entry points ng Koronadal City ng sinimulan ngayong araw ang istriktong pagpapatupad na “No ID, No Entry Policy” sa lungsod.

Layunin nito upang hindi malusutan ng mga teroristang grupo at manatiling tahimik at payapa ang lungsod ng Koronadal.

Samantala, simula mamayang gabi ipapatupad naman ang curfew hour sa lungsod mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga batay na rin sa inilabas na executive order ni Koronadal City Mayor Peter Miguel.

Kaugnay nito, hinihingi ni Police Supt. Ronald Allan Penaverde, Chief of Police ng Koronadal City Police Station ang suporta at kooperasyon ng publiko sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa lungsod.

Facebook Comments