Implementing Rules and Regulations ng Universal Healthcare Law, pipirmahan na ngayong araw  

56

Pipirmahan na ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Healthcare Law.

Ibig sabihin, awtomatiko nang magiging bahagi ng National Health Insurance ang lahat ng mga Pilipino.


Higit na makikinabang sa naturang batas ang mga kababayan nating kapos at madalas problema ang pagpapagamot gayundin ang mga hindi pa miyembro ng PhilHealth.

Tiwala si Health Sec. Francisco Duque III na mabibigyan ng sapat na tulong medikal ang mga Pilipino sa pamamagitan ng naturang batas.

Mas pinaigting din ng Health Department ang mga hakbang laban sa iba’t-ibang sakit kabilang na ang Meningococcemia at Dengue.

Facebook Comments

From Advertisers