Impormasyon na may namataan na miyembro ng NPA, patuloy na kinukimpirma ng Luna Police Station

21

Isabela – Patuloy ang isinasagawang validation ng Luna Police Station sa natanggap nilang impormasyon na may namataan na miyembro ng NPA sa kanilang nasasakupan.

Nabatid na may dumaang halos 40 armadong kalalakihan sa barangay Sto. Domingo patungo sa bayan ng Burgos, Isabela kung saan nakumpirma naman ito matapos ang isinagawang pagtatanong ng mga otoridad sa mga mamamayan sa Sto. Domingo.

Sa ngayon ay mas pinaigting pa ng Luna Police Station ang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan upang mahadlangan ang anumang balakin ng mga hinihinalang NPA.

Umapela rin ang pulisa sa mga mamamayan na agad ipagbigay-alam sa kanilang himpilan kung sakaling may makita silang mga hinihinalang npa upang sila ay makatugon kaagad.
DZXL558

Facebook Comments