Import na si Glenn Rice Jr., pinagmulta din ng TNT Katropa

96

PBA – Bukod sa P26,000.00 na multa sa PBA, pinatawan din ng $10,000.00 (P514,460.00) na fine ng TNT Katropa ang kanilang import na si Glenn Rice Jr.

Ito ay dahil sa naging inasal nito sa naging laban ng TNT kontra Barangay Ginebra sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Dagdag pa ng management ng Katropa, hindi nila kukunsintihin ang ganitong ugali ng kanilang import kung saan maging ang kaniyang mga teammate at mga fans ng PBA ay kaniyang inaaway at pinapatulan.

Hindi naman na sigurado ang TNT kung kukunin pa nila sa mga susunod na conference si Rice Jr. na agad din umuwi ng Amerika pagkatapos ng laro sa Ginebra.

Facebook Comments