Import permit ng Mighty Corporation, tuluyan nang sinuspinde ng Bureau of Customs

23

Manila, Philippines – Suspendido na ang import accreditation ng Mighty Corporation.

 

Ayon kay Bureau of customs Legal Division Chief. Atty. Alvin Ebreo – epektibo ngayong araw ay hindi na maaring magpasok ng kanilang mga raw materials ang kumpanya.

 

Kasunod na rin ito ng paglabag sa tariffs and customs law matapos makitaan ng probable cause ng BOC ang nasabing kompanya.

 

Kabilang aniya dito ang warrant seizure and detention na inilabas ng customs sa Zamboanga.

 

Gayundin ang reklamo ng isang Atty. Sabio na ang pinagbatayan ay ang naging findings ng senado.

 

Dahil sa suspensyon hindi na maari pang magpasok ng kargamento ang nasabing kumpanya ng sigarilyo kahit na ito ay nasa byahe na patungo sa bansa.

Facebook Comments