Imported na bigas, mabibili rin sa halagang P38 sa palengke sa Parañaque

Ipatutupad na ngayong araw ng Department of Agriculture (DA) ang P58 na maximum suggested retail price (M-SRP) sa mga imported na bigas.

Sa Pamilihang Bayan ng Bagong Parañaque, wala nang imported na bigas ang hihigit sa P58.

Ang Thailand Jasmine Rice na dating P63, ngayon ay P57 na lang ang presyo sa isang rice stall.


Ayon sa rice stall owner, mababa na rin nilang nakuha ang bigas sa kanilang supplier.

Ang isang special imported na bigas naman ay pumalo ng P58 na katumbas mismo ng M-SRP na itinakda ng DA.

Samantala, nasa P38 ang pinakamurang imported na bigas o ang broken rice na uri ng bigas.

Ang nasabing broken rice ay kapresyo ng mga tinitindang bigas sa mga Rice for All Kadiwa stall sa Metro Manila.

Facebook Comments