Imported pork products na apektado ng ASF, hindi pa nakakapasok sa bansa

Manila, Philippines – Nanindigan si Department Agriculture Secretary Manny Piñol na walang anumang produktong baboy na may African swine fever (ASF) ang nakapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Piñol, naging mahigpit sila sa mga ipinapasok na baboy sa bansa mula nang pumutok ang ulat sa nasabing sakit.

Gayunman, kailangan pa rin aniyang tutukan ang posibleng paglusot ng virus sa pamamagitan ng pag-aangkat ng baboy at process pork product.


Naunang ipinagbawal ang pag-aangkat ng baboy mula sa China, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Belgium, Bulgaria, Cambodia, Moldova, Mongolia, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Facebook Comments