Ina at girlfriend ng Pinoy na unang nagpositibo sa UK variant ng COVID sa bansa, nagpositibo sa swab test

505

Tatlo sa naging close contact ng Pilipinong unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa ang nagpositibo rin sa virus.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa nagpositibong close contact ang girlfriend at nanay ng naturang Pinoy.


Kinumpirma rin ni Usec. Vergeire na sa 159 na pasaherong nakasabay ng nasabing Pinoy sa Emirates flight mula Dubai, 155 na ang natunton nila.

Aniya, walo sa mga ito ang nagpositibo rin sa swab test.

Sa ngayon, patuloy rin na tinutunton ng Department of Health (DOH) ang apat pang pasahero ng nasabing flight.

Kinumpirma rin ni Vergeire na sa kabuuan, 49 ang naging close contacts ng mga pasaherong natunton nila.




Ayon kay Vergeire, malapit na ring makumpleto ng nasabing Pinoy passenger ang kanyang isolation period.

Ang mga nakolektang sample ng DOH ay dinala na sa Philippine Genome Center.

Facebook Comments