Ina ng umano’y hinalay at pinatay na flight attendant na si Christine Dacera, inilarawan ang anak bilang mapagmahal at responsableng bata!

Isang mapagmahal, mabait at responsableng anak.

Ito ang paglalarawan ni Mrs. Sharon Rose Dacera sa anak na si Christine Dacera, ang 23-years old na flight attendant na pinaniniwalaang hinalay at pinatay sa isang hotel sa Makati City noong Bagong Taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mrs. Dacera kung gaano kabait at mapagmahal na anak na si Christine.


Ikinukwento rin nito ang huling pag-uusap nila ng anak noong New Year eve kung saan wala siyang napansin na pahiwatig na may mangyayaring masama rito lalo na’t tiwala ito dahil kasama niya ang ilang ka-trabaho.

Giit ni Mrs. Dacera, hindi sila kumbinsido sa unang autopsy report kung saan natural causes o dahil sa ruptured aortic aneurysm ang ikinasawi nito kaya muling isasailalim aniya ang labi ng biktima sa otopsiya.

Binigyan diin ni Mrs. Dacera na may nangyaring krimen sa pagkamatay ni Christine kung saan sinamantala ng mga suspek ang kahinaan ng kanyang anak na hindi sanay na uminom.

Kasabay nito, panawagan ang pamilya Dacera kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng 23-years old flight attendant.

Facebook Comments