Ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena, nagsalita na

57

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Halos isang buwan ito matapos na masawi ang sikat na Filipino vlogger dahil sa atake sa puso na may kaugnayan sa COVID-19.

Sa inilabas na video ng ina ni Lloyd na si Lorita Cadena na kilala rin bilang si ‘Mother Kween’, sinabi nito na ngayon lamang siya nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay nasa proseso pa sila ng pagtanggap sa biglaang pagpanaw ni Lloyd.

Gayunman, nagpasalamat ni Mother Kween sa lahat ng supporters at kaibigan ni Lloyd na nagpaabot ng tulong at panalangin sa kanilang pamilya.

Special mention sa kanyang video si Ivana Alawi na kabilang sa mga nagpaabot ng tulong sa kanila sa pamamagitan ng vlog entry nito na “Bus wash Challenge” na huling hamong ibinigay ni Lloyd sa aktres.

Pinaringgan din ni Mommy Lorita ang mga gumagawa ng fake accounts nila ni Lloyd at umapelang irespeto ang kanilang pagdadalamhati.

Facebook Comments