Ina ni Pia Wurtzbach na si Cheryl Alonzo Tyndall, sinagot na ang akusasyon sa kanya ng anak na si Sarah Wurtzbach

105

Pinasinungalingan ni Cheryl Alonzo Tyndall ang akusasyon ng kaniyang anak ni si Sarah Wurtzbach sa kanilang dalawa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Bagama’t nagkaayos na sina Pia at Sarah, sinabi ni Cheryl na patuloy pa rin ang paninira sa kaniya ni Sarah.


Nanawagan din ito na huwag siyang husgahan dahil bilang single mom ay hirap siyang alagaan ang dalawang anak na babae.

“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak.” ani Cheryl.

Maliban kay Cheryl, nagpahayag din ng saloobin ang kinakasama nitong si Nigel Tyndall kung saan sinabi nitong lubos siyang nagagalit kay sarah sa mga salita nito sa ina pagkatapos ng lahat ng nagawa nila para rito.

Facebook Comments