INA, PATAY MATAPOS ISALBA ANG NALULUNOD NA ANAK SA ILOCOS SUR

19

Nasawi ang isang ina matapos nitong iligtas ang nalulunod niyang anak sa bahagi ng Buwaya River na sakop ng Brgy. Poblacion Sur, bayan Salcedo, Ilocos Sur.

Nakilala ang biktima na si Jona, 33 anyos, residente ng Poblacion Norte sa nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Ifm Dagupan sa imbestigador ng insedente, napag alamang nagpunta ang mag-iina pasado alas 2 ng hapon sa nasabing ilog para maligo kung saan kasama nito ang dalawang anak nito at kanyang dalawang pamangkin.


Matapos ang ilang sandali, napansin ng in ana nalulunod ang kanyang sampung taong gulang na anak, agad nitong sinaklolohan at tagumpay nitong nailigtas ngunit siya naman itong nadisgrasya matapos mapunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Ayon pa sa Salcedo Police, tatlong minuto na umanong nalulunod ang nasabing biktima kung saan mag- aalas tres na ng hapon nakaresponde ang mga rescuer.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara na itong Dead on Arrival. | *ifmnews*



Facebook Comments