Ina Raymundo, pass na sa mga sexy role

Manila, Philippines – Kahit nakilala noon sa kanyang pagpapa-sexy pass na raw ngayon si Ina Raymundo sa mga sexy-sexy role.

Say ni Ina, kung meron man ay siguradong konting-konti lang.

Sa ngayon, happy raw siya sa sunud-sunod niyang proyekto ngayon sa telebisyon kahit na hindi masyadong malaki ang role.


At kahit nagiging busy sa showbiz career, tiniyak ni Ina na hindi nila ito pinag-aawayan ng asawang niyang si Brian Poturnak.
Katunayan, very supportive pa nga raw ito sa kanyang trabaho.

Facebook Comments