INAALAM NA | Nagkabit ng tarpaulin na may nakasulat na probinsya ng China ang Pilipinas – iniimbestigahan na ng MMDA

113

Manila, Philippines – Inaalam na ng MMDA kung sino ang nagkabit ng mga tarpaulin sa mga footbridge sa Metro manila na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Ilan sa mga lugar na nakitaan nito ang Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, C-5, Airport Road, España, Rotonda at sa Pasay.

Pero ang masaklap dito, walang CCTV o kung meron man ay hindi moving ang camera malapit sa mga footbridge na kinabitan ng tarpaulin.

Gayunman, iimbestigahan pa rin daw nila ito lalo at may regulasyon ang mmda at may ordinansa ang mga lokal na pamahalaan sa pagkakabit ng tarpaulin nang walang pahintulot.

Ginugunita ngayong araw ang ikalawang anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa International Tribunal kaugnay ng agawang ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments