Inabandonang Kapitolyo sa Maguindanao muling Bubuksan?

68

Mainit na tinanggap ng libo-libong mga residente ng Shariff Aguak ang Team Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao sa pangunguna ni Gubernatorial Candidate Bai Mariam Sangki- Mangudadatu kasama si Vice Governor Datu Lester Sinsuat.
Isinagawa ang Grand Proclamation Rally sa labas ng compound ng dating Provincial Capitol na ngayoy 601st Brigade Headquarters.
Pormal na ring ipinakilala ng Team GMSM ang tambalan nina Shariff Aguak 2 termer Mayor Bai Zahara Upam Ampatuan at Vice Mayoralty Candidadate former ARMM HELPS Director Anwar Upahm kasama at kanilang konsehal.
Kaugnay nito, inihayag ni Bai Mariam ang intensyong muling buksan ang halos isang dekadang naabadonang multi- million na halaga ng Kapitolyo sa Shariff Aguak. Sinasabing sakaling maihalal ng mga taga Maguindanao, sa Shariff Aguak mag -oopisina si Bai Mariam.

Matatandaang, bukod sa kapitolyo sa Shariff Aguak, matagal na ring naiwang nakatiwangwang ang dating Kapitolyo sa Sultan Kudarat. Kasalukuyang nag-oopisina ang mga kawani ng Maguindanao sa bagong gawang Kapitolyo sa Buluan.


Facebook Comments

From Advertisers