INABISUHAN | Mga residenteng direktang tatamaan ng Hurricane Michael, pinalilikas na sa Florida

Florida – Pinalilikas na ang mga residente sa Florida kasunod ng banta ng hurricane Michael.

Idineklara na rin ni Florida Governor Rick Scott ang State of Emergency sa bahagi ng Alabama at Georgia na tinutumbok ng bagyo.

Nasa category two storm na ito at may lakas na 100 mph kung saan inaasahan na tataas pa ang category level nito kapag nag-landfall.


Tiniyak naman ni US President Donald Trump na nakahanda ang lahat ng mga rescue at opisyals na dadaanan ng bagyo.

Nauna ng nanalasa ang hurricane Michael sa Central America na ikinamatay ng 13 indibidwal.

Facebook Comments