Inagurasyon ng ilang pasilidad, tampok sa ika-14 na anibersaryo ng Navotas City

Itatampok ngayong araw sa ika-14 na taong anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas ang inagurasyon ng ilang mga pasilidad.

Kabilang dito ang pagpapasinaya ng walong karagdagang vertical farm towers o pagtatanim ng pataas sa halip na sa lupa.

Pasisinayaan rin ang Health Center sa Barangay North Bay Boulevard South, Navotas Rescue Center sa Dagat-Dagatan, ERC Basketball Court sa Brgy. Tangos North, at Multi-purpose Building sa Tangos Elementary School.


At dahil bawal pa ang mass gathering, pinayuhan ni Mayor Toby Tiangco ang mga taga-Navotas na panoorin na lang online ang mga aktibidad.

Bukas naman ay ikakasa ang ceremonial turnover ng mga bangka at lambat na gaganapin sa Navotas Centennial Park.

Facebook Comments