
Sinimulan ngayong araw ang inagurasyon ng mga bagong ayos na barracks para sa mga personnel ng Philippine Air Force (PAF).
Ginanap ang nasabing inagurasyon at blessing nito sa Villamor Air Base Golf Course, Pasay City.
Binigyang-diin ng PAF na ang nasabing renovation projects ay para mapaganda ang kondisyon at kapakanan ng mga civilian personnel.
Ang upgraded facility na ito ngayon ay magbibigay ng mas ligtas, mas komportable at mas maayos na tirahan para sa mga personnel ng PAF.
Kaugnay nito ang nasabing inisyatibo ay kumakatawan sa malawak na pagsisikap ng PAF na mapanatili ang morale, kahusayan at kahandaan sa pamamagitan ng makabago at maayos na pasilidad.
Facebook Comments









