INAKO | Pagtaas ng inflation, resulta ng pagmahal ng langis – PRRD

Manila, Philippines – Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa kanyang talumpati sa dinner ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. sa MalacaƱang nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulong Duterte na responsibilidad niya na magawan ng paraan para maresolba ng pagtaas ng inflation.

Pero iginiit niya na lahat ng presyo ng bilihin ay tataas kapag nagmahal na ang presyo ng langis.


Nabatid na sa tantya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay inaasahang papalo sa 6.8% ang inflation para sa buwan ng Setyembre.

Facebook Comments