INALMAHAN | Grupong Kadamay, kinondena ang pagbawal sa kanila ni Pangulong Duterte na mag-okupa ng housing units

77

Manila, Philippines – Kinondena ng grupong Kadamay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan silang umukopa ng mga housing units.

Giit ni Kadamay Chairperson Gloria Arellano, imposibleng hindi sila magprotesta ngayong patuloy na naapektuhan ng ekonomiya ang sektor ng mga mahihirap.

Aniya, tagos sa bulsa ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at paparami ng paparami ang mga Pilipinong walang bahay.

Ayon pa kay Arellano, hindi China ang Kadamay at ang pamahalaan ang siyang nag-aalok sa Beijing ng mga teritoryo na para dapat sa mga Pilipino.

Facebook Comments