INAMIN | Hirit na dagdag-pasahe ng LRT, gagamitin sa pagdurugtong ng kanilang linya

13

Manila, Philippines – Inamin ng operator ng LRT – 1 na gagamitin nila ang P5 dagdag-pasahe para pondohan ang gagawin nilang line extension.

Nasa P30-bilyong umano ang kailangan ng Light Rail Manila Corp. para dugtungan ang kanilang linya mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.

Katwiran ng LRMC, magtitiwala ang uutangan nilang bangko na makapagbabayad ang LRT operator dahil sa taas-pasahe.

At kapag natuloy, tatagal na lang ng hanggang 30 minuto ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor, habang 15 minuto sa Sucat, parañaque at 20 sa Las Piñas.

Facebook Comments