INAMIN | Mga pulitiko, malabong mapapasunod sa anti-political dynasty – SGMA

58

Manila, Philippines – Inamin ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi mapapasunod ang mga pulitiko sa anti-political dynasty hanggang walang malinaw na batas ukol dito.

Ayon kay Speaker GMA, kailangan ng batas na magbibigay depinisyon sa political dynasty para makakilos ang pamahalaan at mapasunod ang mga pulitiko sa probisyon ng konstitusyon laban sa dinastiya ng mga magkakamag-anak sa pulitika.

Sinabi pa ni Arroyo na may maganda at masamang dulot ang political dynasty tulad ng ibang political activity.

Dahil dito, wala naman aniyang makapagsasabi na ‘totally bad’ o ‘totally good’ ang political dynasty.

Hanggang sa ngayon ay walang nakakalusot na panukala sa Kongreso na maglilimita ng bilang ng mga magkakaanak na sabay-sabay na tumatakbo sa eleksyon kaya bigo din na bigyan ng enabling law ang probisyon ng saligang batas laban dito.

Facebook Comments