Mga pulis na sangkot sa iligal na gawain marami pa rin ayon sa PNP- IMEG

 

Inamin ng pamunuan ng  bagong tatag na Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ng PNP na marami pa rin ang mga pulis na nasasangkot sa mga iligal na gawain.

 

Ayon kay Col. Romeo Caramat,  Director ng PNP- IMEG hindi pa rin maubos-ubos ang mga miyembro ng PNP na hindi tinutupad ang kanilang mandato na magpatupad ng batas sa halip patuloy na nagpapasaway.

 

Babala ni Caramat sa mga ito  hindi nila ito titigilan ang kanilang mga kabarong mga police scalawags.


 

Sa ngayon aniya ay mayroon silang nasa mahigit 1 libo pulis na under validation sa PNP-IMEG.

 

Sa oras aniya na makakuha sila ng sapat na ebidensya ay agad nila itong i-ooperate.

 

Kahapon naka score na naman ang IMEG laban sa mga tiwaling pulis matapos na maaresto ang isang aktibong pulis mula sa Pampanga Provincial Police Office nang ikasa ang kanilang entrapment operation sa Mcarthur highway sa bgy Maimpis syudad ng San Fernando.

 

 

kinilala ang naarestong pulis  na si Police Corporal Joeton Samson, dating nakatalaga sa Mabalacat City PNP at ngayon ay prison officer ng Pampanga PPO.

Facebook Comments