Inaplayang pondo ng Meralco, inaprubahan na ng ERC

50

Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang aplikasyon ng Manila Electric Company (Meralco) para sa pondong gagamitin sa kanilang mga proyekto.

Pero nagkakahalaga lang ng ₱410.45-milyon ang pinayagan ng ERC, mas mababa kaysa sa ₱450.75-milyon na ni-request ng Meralco


Ang nasabing pondo ay gagamitin sa mga proyekto sa Bagbaguin Substation; Dasmariñas, Cavite; Mandaluyong Substation at sa Pinagbuhatan, Pasig.

Facebook Comments