INAPRUBAHAN | ‘Bangko sa Baryo’ bill, aprubado sa committee level ng Kamara

109

Manila, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Banks and Financial Institutions ang ‘Bangko sa Baryo Bill’.

Layunin ng panukala na magkaroon ng bank services sa remote communities sa bansa.

Ayon kay Committee Chairman, Eastern Samar Rep. Ben Evardone – mahalagang maipaabot ng gobyerno ang financial services sa mga barangay lalo at marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang access sa bangko.


Aniya, kapag naging batas ito – mapapabuti pa ang pamumuhay ng mga tao sa kanayunan dahil sa benepisyo at kaluwagan na maihahatid ng banking system.

Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, may-akda ng panukala – madali na lamang implementasyon ng panukala lalo mayroon nang National ID System.

Sa ilalim ng panukala, ang financial services companies ay kinakailangang magtalaga ng ‘cash agents’ sa mga barangay para magbigay ng banking services.



Ang mga ‘cash agents’ ay sasailalim sa masusing screening procedures mula sa kanilang mga bank-employers at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments