Inaprubahang resolusyon para sa pag-amiyenda sa saligang batas, babawiin

64

Babawiin ng mga mambabatas ang inaprubahan nilang resolusyon noong Disyembre tungkol sa pag-amiyenda sa saligang batas.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairperson, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez – babalik ang komite sa unang hakbang sa paggawa ng mga rebisyon sa 1987 Constitution.


May mga panukalang inihain ang Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform na binubuo ng DILG at 10 iba pang ahensya.

Kasama na rito ang pagboto sa tandem ng presidente at bise presidente.

Facebook Comments