Inaprubahang wage increase ng RTWPB, patas at balanse ayon sa DOLE

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na “patas at balanse” ang naging resolusyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board hinggil sa pag-apruba sa dagdag-sahod sa mga minimum wage earner sa Metro Manila at Western Visayas.

Sa desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, inaprubahan nito ang ₱33 na dagdag sa sweldo ng mga minimum wage earner sa Metro Manila habang nasa ₱55 hanggang ₱110 naman para sa Western Visayas.

Sa panayam ng RMN Manila, binigyang-diin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na pinag-aralang mabuti ng wage board ang lahat ng economic factors hinggil sa dagdag-sahod.


Masusing pinag-aralan aniya ang pangangailangan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga kompanya.

Sinabi pa ni Bello na present din ang kinatawan ng ibat ibang sektor ng tinatalakay ng wage board ang petisyon sa dagdag sahod.

Kasabay nito, inihayag ni Bello na maaari namang maghain ang mga kompanya ng exemption sa kanilang tanggapan kung hindi talaga kayang magbigay ng dagdag sahod sa kanilang mga manggagawa.

Facebook Comments