Inarestong indibidwal dahil sa paggamit ng pekeng swab test result at pekeng travel authority, umabot na sa 177

28

Umakyat na sa 177 na mga indibidwal ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Joint Task Force (JTF) COVID Shield dahil sa paggamit ng pekeng swab test result at pekeng travel authority.

Ito ay sa harap na rin nang mahigpit nilang pagpapatupad ng quarantine protocols dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.


Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, 63 violations ang kanilang naitala sa buong bansa.

Sa mga paglabag na ito 177 ang nahuli.

Nasa 27 sa mga naaresto ay nahuling gumamit ng pekeng swab test result, dalawa ay nahuling gumagamit ng pekeng IATF IDs, 14 naaresto dahil gumamit ng pekeng travel authority, at isa ay hinuli dahil gumamit ng pekeng government ID.

Facebook Comments