INATAKE SA PUSO? | Isang preso ng Barbosa PCP, patay sa hindi pa malamang dahilan

44

Namatay ang isang preso nang makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Sa ulat, naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Allan Rafael pero namatay din ito.

Nabatid na nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang biktima kaya at agad na ipinagbigay alam sa jail officer na siya namang nagdala sa kanya sa ospital.

Hindi pa naman matukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Rafael na nakulong sa Barbosa PCP dahil sa kasong breach of peace at sa iligal na droga.

Facebook Comments