Inauguration ng school buildings sa Bulakan at Valenzuela, pinangunahan ni Pang. Duterte

22

Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inauguration ng school buildings sa Virginia Ramirez-Cruz High School at Gen. Gregorio H. Del Pilar Integrated School sa Brgy. Sta Ana, Bulakan, Bulacan.

Matapos, dumeretso naman ang Pangulo sa kaparehong aktibidad sa Canumay East National High School at Lawang Bato National High School sa Valenzuela City.


Sa nasabing event, inanunsyo ng Pangulo na dadagdagan ng China ang donasyong bakuna nito sa Pilipinas.

Bukod sa 600,000 doses ng Sinovac vaccines ay mamimigay ulit ang China ng 400,000 doses ng Sinovac.

Sa kabuuan, isang milyong doses na ng Sinovac ang donasyon ng China sa Pilipinas.

Kung matatandaan, naikwento kamakailan ni Pangulong Duterte na noong salubungin niya sa Villamor Air Base ang 600,000 doses ng Sinovac kung saan kasama niya noon si Chinese ambassador Huang Xilian ay mayroon aniya itong ibinulong sa kanya.



Ito nga ang karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng China sa Pilipinas.


Facebook Comments