Inbestigasyon sa pamamaril patay sa estudyante ng MSU Maguindanao nagpapatuloy

Nagpapatuloy parin ang investigasyon ng DOS PNP sa pamamaril patay sa isang mag-aaral ng MSU Maguindanao sa Dalican DOS Maguindanao…
Sa ngayon ay blanco parin ang PNP kung sino ang dalawang suspect na responsible sa pamamaril sa biktimang si Aljanam Pilandok 22 anyos na residente ng barangay Sambulawan Midsayap north cotabato, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa calibre 45 pistol.
Maalalang naglalakad lamang ang biktima noong huwebes ng hapon mula sa kanyang pinapasukan na paaralan sa MSU at pauwi na sana sa kanyang boarding house ng barilin ng riding in tandem criminals. Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo..Dalawang basyo naman ng calibre 9mm ang narecover sa crime scene ng DOS PNP.

Facebook Comments