Incoming speaker Alan Peter Cayetano, hinikayat ang PDP-Laban members sa Kamara na sumama sa binuong diehard Duterte supermajority

145

 

Hinikayat ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga PDP-Laban members partikular sa Kamara na sumama sa binuong bagong supermajority.

 

Sa ginanap na pulong kagabi ng PDP-Laban kasama si Cayetano, hinimok nito ang partido na makiisa at sumama sa Diehard Duterte Supermajority o DDSM.


 

Aniya, parehong political will ni Pangulong Duterte ang dadalhin ng DDSM sa Kamara.

 

Layunin din nito na mareporma ang supermajority para maibalik ang kredibilidad at maiwasan ang pagkakahati-hati ng partido sa Mababang Kapulungan.

 

Sinabi din ni Cayetano na maglalatag din ng ground rules ang Kamara upang maiwasan na mabahiran ng dumi at maging patas sa lahat ng magiging hakbang.

 

Tiniyak din nito na pagkakaisahin niya ang mga kongresista sa ilalim ng kanyang pamamahala bilang Speaker sa loob ng 15 buwan.

Facebook Comments

From Advertisers