
Ilang araw bago ang midterm elections sa Lunes, naglabas ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban sa alkalde at bise alkalde ng Urdaneta City sa Pangasinan.
Kaugnay iyan sa kontrobersiyal na “kissing” auction na isinagawa sa isang kampanya nina Mayor Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno kamakailan.
Nag-viral ang insidente kung saan isang babae ang tinawag sa entablado para sa halik kapalit ng aabot sa isang libo hanggang limang libong piso.
Ayon sa Comelec Task Force SAFE, maaaring may naging paglabag ito sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines partikular sa gender based harassment at iba pang discriminatory acts.
Batay sa show cause order, may tatlong araw ang dalawa para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng election offense o petition for disqualification.