Inday Sara at Baste Duterte, a-absent sa SONA ni PRRD

175

Maliban kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, magiging absent din sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nitong si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

Una nang sinabi ni Mayor Inday Sara na naka-60 day medical leave dahil sa gynecological condition.


Paliwanag ni Vice Mayor Baste – may mga mahahalagang bagay na kailangang talakayin sa city council session.

Ipinapanalangin naman ng Malacañan ang mabilis na paggaling ni Mayor Sara.

Inaasahang dadalo sa SONA si Davao City First District Representative Paolo Duterte pero hindi naman tiyak kung sasama ang ina ng magkakapatid na si Elizabeth Zimmerman.

Ang partner ng Pangulo na si Honeylet Avanceña at kanilang anak na si Veronica ay inaasahan ding dadalo.

Facebook Comments

From Advertisers