Indemnification bill, magbibigay ng kumpiyansa sa publiko na magpaturok ng COVID-19 vaccine

31

Naniniwala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mas makakapagbigay ng kumpiyansa ang Indemnification Fund Bill para sa COVID-19 vaccines.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na safeguard para sa mga magpapaturok ng COVID-19 vaccine ang pagsagot ng PhilHealth sa pagpapagamot sakaling magkaroon sila ng side effects.


Sakaling kailanganin aniyang magpa-ospital ang isang nagpaturok ng COVID-19 vaccine ay dito na papasok ang PhilHealth upang sagutin ang gastos ng pasyente.

Una nang sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon bilang urgent ang panukalang Indemnification Bill sa Kongreso.

Facebook Comments