India, nakapagtala ng mahigit 380,000 na bagong kaso ng COVID-19

57

Nasa 3,780 na bagong COVID-19 death cases ang naitala sa India ngayong araw.

Habang aabot sa 382,315 ang naitalang bagong kaso sa bansa na pumapangalawa sa US sa mga bansa sa buong mundo na may higit 20 milyong kaso ng COVID-19.


Mahigit 25 tren na ang nakapaghatid ng mga oxygen sa iba’t ibang bahagi ng India sa gitna ng nararanasang krisis sa healthcare system nito.

Samantala, walong Asiatic lion sa isang Indian zoo sa Hyderabad ang umano’y nagpositibo sa COVID-19 pero wala pang ebidensya na maaari silang makahawa sa tao.

Facebook Comments