Indian National, Arestado sa Panghahalay sa 14 anyos na Dalagita!

483

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang sinampahan ng kasong panggagahasa ang isang Indian National o bumbay matapos ireklamo ng isang menor de edad sa Barangay Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Emmanuel Gomez, hepe ng PNP Solano, ang akusado ay nakilalang si Nava Kisore Mobili, 21 anyos at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya habang ang biktima na 14 anyos ay itinago sa pangalang ‘Joy’.


Una rito, ang biktima ay niyaya umano ng suspek na mamasyal sa naturang bayan at pagkatapos ng ilang oras ay bumalik ang dalawa sa tinutuluyang bahay ng suspek.

Inaya umano ng suspek ang biktima na mag-inom sila ng alak at nang makaubos na ng botelya ng alak ang biktima ay nakatulog na umano ito.

Nang magising ang biktima ay hinahalikan na umano siya ng suspek sa kanyang katawan at dahil umano sa nahihilo at nanghihina pa ito ay hindi na nakalaban hanggang sa tuluyan na siyang nagahasa.

Kinaumagahan na nang makatakas ang biktima sa bahay ng suspek at agad na nagsumbong sa kanyang pamilya na agad namang inireklamo sa himpilan ng pulisya.



Dahil sa panghihina nito ay nakatulog ang biktima sa bahay ng suspek at nagising na ito kinabukasan na agad din tumakas.


Agad namang tumugon ang pulisya na nagresulta sa pagkahuli ng suspek na bumbay.

Facebook Comments