Indian national, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Navotas

497

Dead on the spot ang isang Indian national matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Navotas.

Kinilala ni PSSg. Reysie Peñaranda ang biktima na si Mandeep Dhaliwal Singh, 33 anyos at residente ng Arguelles, Quezon City.

Kwento ng saksi na si Daniel Canete, nag-aabang siya ng masasakyan sa South bound ng Road 10, Brgy. Nbbn, Navotas City nang biglang sumulpot ang isang puting motorsiklo at saka bumunot ng baril ang angkas nito at pinaputukan ang biktima.


Agad namang tumakas ang mga riding-in-tandem sa direksyon ng Lapu-Lapu Avenue.

Ang isa sa mga suspek na nakasuot ng puting T-shirt at nakasuot ng maong pants jeans ay tumakas sa direksyon ng Lapu-Lapu Ave.

Habang ang nakasuot ng black helmet ay tumakas sa direksyong patungong lungsod ng Maynila.



Facebook Comments